
Nakikiisa ang Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Los Angeles sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto 2026.
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang temang “Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon.” Binibigyang-diin ng tema na ang kasaysayan ng Pilipinas ay salaysay ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saan man sila makarating.
Sa paggunita ng Buwan ng Kasaysayan, sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig.
Ang Buwan ng Kasaysayan ay ginugunita tuwing Agosto alinsunod sa Proklamasyon Blg. 339, na nilagdaan noong 2012.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas: https://www.facebook.com/nhcp1933.
#HistoryMonth
#MakeItHistoric
#PatuloySaPagtuklas

